Unless someone like you cares a whole awful lot, nothing is going to get better, it’s not.
Di ko alam kung pagod o puyat lang talaga ako nung pinanood ko ito kaya naapektuhan ako at naluha. Pero nagulat rin ako sa sarili ko nang bigla akong maiyak dahil sa panonood ng pelikulang ito. Kasi naman, di gaya ng aking nakababatang kapatid, di naman ako environmentalist. Alam kong maling magtapon ng basura and I make it a point that I don’t, pero di ako umiiyak sa tuwing may pinuputol na puno. Alam ko naman kasing kung may isserve na mas mabigat na purpose ang pagkawala niya ay isa itong necessary evil. Kiling man ako sa pagiging mas maka-kalikasan lalo na dahil sa onset ng global warming, di naman matindi masyado ang kapit ko dito dahil I believe in the inevitable doom of man.
Di ko rin naman masyadong na-enjoy yung pelikula. It’s one of the few movies that I had to stop watching every now and then dahil di ako naaliw sa paglalahat ng kwento. Gayunman, it made its point kaya siguro na-move parin ako. It must’ve been Dr. Seuss who got to me.