Friends With Benefits: Movie Review

Bakit ba nauuso ang mga pelikulang about promiscuity? May No Strings Attached sina Ashton at Natalie at ngayon may Unofficialy Yours na din sila John Lloyd at Angel. Are we going back to the 70s kung saan Make Love Not War ang mantra ng lahat? Are we regressing as a generation?

This movie is just one of those. Now, I know maraming iiling na mga konserbatibo na ang pananaw ay bawal na bawal kahit panoorin ang mga pelikulang ito. Kung ikaw yun, I’m sorry kung natibag ang pananampalataya mo dahil sa bagay na ito. Pero kung hindi ko papanoorin, ano ang karapatan kong magbigay ng opinyon, di ba? Di ko man inirerekomenda sa iba ang panonood ng pelikulang ito (lalo na sa mga bata), kailangan kong magbigay ng konkretong dahilan kung bakit.

Continue reading

In Time: Movie Review

“Pointless.”

Yan ang masasabi ko sa pelikulang ito. Nakakapanghinayang lang dahil ang ganda sanang ideya ng buong premise nito. I wanted it to be a revolt against commercialism and making the rich richer, at ganun nga siya sa simula. Pero pagkatapos ng masalimuot at bonggang build up ay, wala na. Pffft. Naging Koko Krunch.

Ang Kwento:

Si Will Salas (Justin Timberlake) ay nasa isang mundo kung saan pagtuntong mo ng 25 years old ay di na magbabago ang hitsura mo. At mula sa oras na iyon ay masisimula nang mag-countdown ang high tech na orasan sa braso mo. Magkakaroon ka ng libreng isang taon. Pero kung gusto mo ng dagdag pa doon, kailangan mo nang pagtrabahuan. Oras ang pinambabayad sa lahat ng gastusin. Oras rin ang sinusweldo ng mga nagtatrabaho.

SPOILER ALERT: Kung gusto mo munang panoorin yung pelikula bago mo malaman ang buong kwento, huminto ka muna dito. Bumalik ka nalang pag nakabuo ka na ng sarili mong opinyon tungkol dito.

Continue reading