13 Greatest Movies of 2013

I’m giving myself a huge pat on the back for summing up 2012 with the post, 12 Greatest Movies of 2012. Why? Because unlike my peers in the movie review cyberworld, I don’t have to choose just 10! Yep! And you know what? I’m gonna jump up to a Top 14 list next year! Yey!

Making a list is really tough. You should see my notebook. Pero hamuna! Ang importante, natapos din!

Disclaimer: This list is in no particular order. Ilan sa kanila ang hindi ko pa nasusulatan at maaaring hindi ko na magawan ng review. Pasensya naman. Limitado rin ito sa mga pelikulang nakita ko ngayong taong ito. Maaaring may ilang nagustuhan mo pero wala sa listahan dahil I didn’t have the privilege of seeing it… yet. Kung mayroon kang suggestion, please comment below. I would love to look for it para mapanood ko rin. :) Salamat!

  • Ang Turkey Man Ay Pabo Rin. I don’t think kailangan pa ng pagpapaliwanag dito. Di pa ako sumusuko sa pag-asang darating ang araw na magkakaroon ito ng wider release alang-alang sa mga naka-miss nito sa sinehan at sa mga mambabasa kong hindi inabot ng limited screening nito. This movie was successful in being both funny and fun without losing sight of the message it wanted to get across. It was very refreshing.
  • Four Sisters And A Wedding. Mabuhay ang industriya ng family comedy sa Pilipinas! Saktong sakto ang balanse ng pelikulang ito. Maaaring hindi kasing bold (as in matapang) o gritty as Ang Turkey Man, pero na-impress talaga ako sa pagkakagawa nito for the mainstream audience.
  • Now You See Me. This is one of the bigger surprises para sa akin sa taon na ito. I loved the movie and I loved discussing it with the people I saw it with. Bawal ang mabagal ang synapses sa pelikulang ito.
  • Warm Bodies. Isa pang dark horse dahil I was never a big vampire/zombie/werewolf gal. Di rin nakatulong sa rep ng movie na ito yung pagtawag sa kaniya na Zombie-Twilight dahil may espesyal akong pagkamuhi doon sa series na yun. Kung handa kang basahin o makipagdebate sa akin, here’s the link. Pero kudos to Nicholas Hoult, the cast, and the writers! Hindi siya overly cheesy at ikinatuwa ko ang resolution kahit happy ang ending.
  • Stuck In Love. I thought this was going to be just another Rom-Com. Pero nagustuhan ko talaga ito. Maaaring mabagalan ka sa pacing kung sanay ka sa mainstream flicks, pero sulit naman ang paghihintay dito. Logan Lerman was the cherry on top. I really like that kid. Galing galing! Buti nalang din at napanood ko to para may pambanlaw naman ako sa Percy Jackson: Sea of Monsters. Ayayay!
  • Syrup. Kung gusto mo ng bago, mahusay, at mentally-stimulating na pelikula, ito yun. Yun nga lang. Hindi mo siya pwedeng isabay sa paggawa ng paper or paglalaro ng Candy Crush dahil maiiwan ka kung kukurap ka man lang.
  • Les Miserables. O. Before you go and tell me that this was a 2012 film, I have to explain that this was shown here in the Philippines on the first week of 2013. That’s the reason why I couldn’t put it in my 2012 list. Kaya ngayon na lang. Yeah. I know most purists make fun of this film. People didn’t like the extreme close ups and nitpick about the singing. Pero wala akong pakels! Wala na yatang pelikulang mas iniyakan ko kaysa dito.
  • Standing Up. I was bullied as a kid kaya may special kurot ang pelikulang ito sa akin. I also liked how it was told in the kids’ perspective. Napa-sigh lang ako pagkatapos. Kung gusto mo ng proper drama, watch this film.
  • The Spectacular Now. I promise to write a review about this movie really soon. Maraming kailangang pagpapaliwanag kung bakit ko to nagustuhan. Dun ko nalang ilalagay.
  • A Place At The Table. This is a documentary about the food situation in America. Eye-opening siya for me dahil may binebentang image ng plenty ang mga developed countries sa aming mga developing pa lang. This movie made me thankful for what I have. It made me love my country more. I thanked God for how everything grew here in the Philippines. Nagpasalamat ako na alam ko ang pakwan at melon at nakakakain ako ng totoong pagkain na mabuti para sa katawan.
  • Not Today. This movie opened my eyes about the discrimination in India. Haunting siya at hanggang ngayon ay apektado parin ako pag naiisip ko.
  • Frozen. Good job, Disney! Salamat sa pagsisimula na irepair ang damaged psyche ng mga kababaihan dahil sa konsepto ng Disney princesses na kinalakhan namin.
  • Much Ado About Nothing. Joss Whedon, Nathan Fillion, Clark Gregg, Sean Maher, Amy Acker. With me being a big Joss Whedon fan, I admit na my liking for this movie is biased dahil I saw familiar faces from his other works. Avengers, Dollhouse, Firefly, Buffy! I was one happy fangirl. Oh, and I loved how they showed Shakespeare’s play in a modern setting without veering too far off. They made me laugh at the right lines dahil na-build up ng maigi. I think much of the humor in it will be lost kung napanood ko lang sa normal na amateur theater.

So, agree ka ba sa listahan ko? Kung hindi, edi hindi. Opinion ko to, blog ko to, ako ang masusunod. *evil laugh*

I really wish this year will be a better year for movies. Hindi kasing ganda ng 2012 ang 2013 e. Pero mukha namang maganda ang forecast for this year. Nawa’y di lang sana ako masalanta ng maling pang-unawa sa storm surge.

Bakit Di Ako Pipila sa MMFF Ngayong Taon

Bago ako magsimula, nais kong ipahatid na hindi ko ito ginagawa para kalabanin ang industriya ng pelikula sa Pilipinas. Kung may mga pahayag man ako na kritikal at may mga puna ako tungkol sa pelikulang Pilipino, lahat ng ito ay bunga ng hangarin na mapabuti ang kalidad ng iniluluwal na produkto ng aking bansa. Ginagawa ko rin ito bilang pagpapahiwatig na naniniwala ako sa potensyal ng pelikulang Pilipino. Kung hindi ako naniniwala sa kakayanan ng mga manunulat, direktor, artista, at mga tauhang nasa likod ng lente ay ni hindi ko pag-aaksayahan ng panahon na bumuo at maglathala ng pananaw. Dahil rin sa hindi ko maiiwasan na mabasa ito ng mga dayuhan kong tagasunod ay gagawin ko ang lahat ng aking makakaya upang isulat ang lahat ng ito sa ating wika.

Walang akong mapili sa mga pagpipilian. May dahilan kung bakit Piling Pelikula ang pamagat ng blog site na ito. Ito ay dahil gusto kong ipakita ang aking opinyon sa mga pinili kong pelikula. Ngayong Metro Manila Film Festival, sadyang malupit ang tadhana sa akin dahil ang 2 sa 8 entries na may gahibla akong interes na panoorin ay hindi pinapalabas sa sinehang malapit sa akin. Oo! Dahil ang mga may-ari ng sinehan ay may nag-iisang layunin, ang kumita ng pera, hindi na sila “nag-aksaya” ng oras at kuryente para magbigay ng lugar sa 10,000 hours o Kaleidoscope World. Kung gusto kong manood, kailangan kong bumyahe papuntang Maynila dahil sa SM Manila lang showing ang parehong pelikula. Punong-puno ang mga sinehan dito sa amin ng My Little Bossings, at Girl, Boy, Bakla, Tomboy.

Ngayon, sinabi kong hindi ako pipila ngayong taon. Hindi ko sinabing hindi ko papanoorin ang dalawang pelikulang sinabi ko kung mabibigyan ako ng pagkakataon. Alam ko naman kasing wala namang pila sa dalawang pelikula na ito.

Walang originality ang mga pelikula ngayong taon. At isasali ko rito ang 10,000 hours at Kaleidoscope World aka The Bourne Identity/MI:4/Every-other-Hollywood-action-flick at Step Up: Philippines. Remember when Mano Po came out? Tanging Yaman? Yamashita? Muro-Ami? Yung Ang Tanging Ina (the first one not the sequels)? Kahit papaano ay may bago at kakaiba sa mga pelikulang ito. Yun ang dahilan kung bakit tumatak sila sa isip ko. Wala bang kaintere-interes na topic sa normal na buhay sa Pilipinas para gawing tema ng pelikula? Naubusan na ba ang mga manunulat natin ng materyal? I refuse to believe that. Mga Pilipino ang pinakamalikhain na lahi sa mundo. Bakit kaya nating maatim na magpalabas ng mga gasgas na pelikula taon-taon? The comedies play on the same themes. Ang portrayal ng “pamilyang Pilipino” ay masyadong comical in nature. Bakit kailangan nilang gawin yun? Marami namang karakter na parehong makatotohanan at nakakatawa ah? Tingnan niyo ang Ang Turkey Man Ay Pabo Rin. Nakakatawa sila pero makikita mo ang iyong kapitbahay, kaibigan, anak ng tiyahin ng kinakapatid mo.

Hindi ako naniniwala na ang pagkakaroon ng sikat na artista ang katapusan ng lahat. Sa panahon ngayon, hindi na requirement sa pagiging sikat ang pagkakaroon ng talento. Yun nga lang, kung gusto mo ng de kalidad na pelikula na papasa para matawag na sining, hindi pwedeng walang talento. Kung mayroon namang artista na binasbasan ng mga tala at naging parehong talentado at sikat, gaya ni Eugene Domingo, e hinahayaan nang lumaylay ang kwento dahil instant win naman na ang pelikula sa masa. At oo. Hindi ako manonood ng Kimmy Dora: The Prequel dahil na-burn na ako sa Kimmy Dora and The Temple of Kiyeme. I really hoped na babalik sila sa core ng unang Kimmy Dora na sadyang fresh ang punchlines, pero nope. Mukhang umasa nanaman sila sa paulit-ulit na jokes at sa CGI. Oh! At sa panonood natin na pupugin ni Eugene ang kaniyang gwapong leading man ng halik.

Hindi ko kukunsintihin ang mga tamad at mukhang perang production companies. At wag nila masabi-sabing masyadong mapanghusga ang mga salita ko. May panahon sa buhay ko kung saan (maliban sa mga katatakutan) gusto kong panoorin halos lahat ng nasa lineup ng MMFF. Yan ay dahil sa pinaghandaan at pinaghusayan nila ang pagbuo ng kwento. Ngayon, kaya kong ikwento sa inyo ang buod ng mga pelikulang ito ng trailer pa lamang ang nakikita ko. Gusto ninyong pumusta? Kung panonoorin ko ang mga pelikulang ito, wala akong maitutulong sa industriya. Kung kikita sila ng limpak-limpak na salapi, ang makukuha lang nila mula rito ay that they can get away with it.

Simple lang naman ang punto ko e. Gagawa nalang din naman kayo ng pelikula, e gawin niyo nang tama. Gagastos ka rin naman. Sasauluhin parin naman ng mga artista ang mga linya. Magbibitbit ka parin ng sangkatutak na staff na magpupuyat dito e itodo niyo na. Iniisip ko palang kung paano nagpuyat ang mga nag-edit ng mga pelikulang ito e awang-awa na ako. Buti pa ang manonood, isang ulit niya lang papasadahan ang mga jokes tungkol sa kabaklaan, katabaan, kapangitan, at kung anu-anong iniisip ng ibang “kapintasan” na nakakatawa. E yung nag-edit niyan, daang beses niyang kailangan ulit-ulitin.

Ngayong panahon ng kapaskuhan ay itatabi ko nalang ang pera ko at mag-aabang ng mga matinong pelikulang Pilipino. Oddly, napansin kong ang mga ito ay kadalasang wala sa mga film festival. Hindi rin sila pinalalabas sa malalaking holidays. Kadalasang limited ang release at may soft release ang mga ito. Pero ayos na rin yun. At least, sulit ang pag-aabang. At lagi akong nagugulat sa kung ano ang sinubukan nilang gawin with the freedom that comes with not having to earn as much for the mainstream production outfits. Itatabi ko ang pera para makapanlibre ako ng isang batang Pinoy sa susunod na I Do Bidoo Bidoo o Boses.

12 Greatest Movies of 2012

Isang matinding, “YESSSS!” dahil naihabol ko ito bago matapos ang January 2013. Medyo kakatwa nga naman kung ipopost ko ito ng bandang pa-gitna na ng 2013. So, wala pang ibang palabok, ito ang listahan ko para sa taong nakalipas.

  • The Double – This is, in my opinion, one of the best spy/action movies of the year.
  • The Help - Award-worthy talaga ang pelikulang ito at iiwan kang luhaan.
  • John Carter – I know hindi ito gusto ng lahat, especially ng mga taong inabutan ang orihinal na John Carter legend, pero sa akin, nagustuhan ko talaga.
  • Louder Than A Bomb - This is the best documentary I saw in 2012. Very inspiring at pinaiyak din ako nito.
  • The Avengers – Joss Whedon, Robert Downey, Jr., and a bunch of other superheroes. This is the best superhero movie of the year para sa akin. (Sorry naman, di ko pa napapanood yung Dark Night)
  • I Do Bidoo Bidoo - This is the best Pinoy movie of the year. Very fresh at inspiring din.
  • The Mistress – Ang ganda ng atake ng pelikulang ito. Considering the number of movies that tackled this same storyline sa nakalipas na taon, ito talaga ang pinakamaganda for the year. John Lloyd and Bea did great and the screenplay and cinematography was impeccable. Galing galing!
  • Seeking a Friend for the End of the World - Yup. Sakto dahil sa palpak na end of the world prediction for this year, this movie puts things in the right perspective without scaring you too much.
  • Ruby Sparks – This movie is very young at ang ganda ng pagkakasulat. The fact that Zoe Kazan is young explains a lot. You really have to see this movie. This is also a great jump off point to introduce yourself or others to indie/art films. Di siya gaanong artsy fartsy para ma-overwhelm ang regular na manonood.
  • The Cabin in the Woods – The best slasher flick ever!
  • The Odd Life of Timothy Green – If you want a family movie na magpapaiyak sa mga nanay at magmomotivate sa mga junakisness na magpakabait, ito yun.
  • Pitch Perfect – Music + Nerds + GREAT SCRIPT = Perfect movie!

Kaunting pagpapaliwanag lang. Kung hindi nakasama ang paborito ninyong pelikula, wag naman kayong magdamdam. You can suggest kung ano ang nagustuhan ninyo last year. Ipost niyo lang sa comments below. This list is made up of the movies I saw. Di ko naisali ang ibang remarkable movies for 2012 simply because di ko sila napanood. Pero kung ikaw, napanood mo, comment lang! =)

2012 in review

Salamat sa lahat ng nagbasa at nagpahiwatig ng kanilang sariling opinion dito. Nawa’y makanood tayo ng mas maraming magagandang pelikula sa susunod na taon.

Here’s an excerpt:

600 people reached the top of Mt. Everest in 2012. This blog got about 5,400 views in 2012. If every person who reached the top of Mt. Everest viewed this blog, it would have taken 9 years to get that many views.

Click here to see the complete report.

Seeking A Friend For The End Of The World

Seeking A Friend For The End of the World: Movie Review

Talk about films that break your heart. Haaay… Gaya nga ng sinabi ng character ni Steve Carrell na si Dodge,

“I feel like I’m falling off a cliff with a bomb strapped to my chest.”

Yan ang eksaktong pakiramadam ko after watching this movie. Hanggang ngayon ay kinikilabutan parin ako at mabigat na mabigat ang loob dahil dito. At bago ako mag-curl up in my room to cry, isusulat ko na ang opinion ko about this.

Ang Kuwento:

Simple at straightforward ang opening scene ng pelikulang ito. It’s the same as the first shot sa trailer that I posted above. Dodge and his wife, Linda (Nancy Carrell) are sitting in their car listening to the radio. Maririnig nila ang balitang hindi naging matagumpay ang Armageddon (the film, not the Biblical prophecy)-like mission na pigilan ang isang asteroid na tumama sa Earth. So, in simpler terms, may tatlong linggo na lamang ang lahat para mabuhay.

After hearing this, Linda runs out of the car and out of Dodge’s life. Apparently, yun lang pala ang kinailangan niya para raw magkaroon ng sapat na tapang na iwanan si Dodge.

Samantala, habang nagkakapatong-patong na ang mga pangyayari at iba-iba ang nagiging pagtanggap ng mga tao sa inevitable doom nila ay makikilala ni Dodge ang kaniyang kapitbahay na si Penny (Keira Knightley). Siya ay isang kakaibang British girl na totally iba ang personalidad kay Dodge.

Di ko na ilalahad ang lahat. Panoorin niyo nalang. Basta may mag-iiwan din kay Dodge ng isang aso, si Sorry, na bida rin sa movie poster. Silang tatlo ni Penny ay maglalakbay upang gawin ang natatangi nilang nais magawa bago mawasak ang mundo. Si Dodge ay hahanapin ang highschool sweetheart niya na si Olivia habang si Penny naman ay hangad lamang na makauwi para makasama ang kaniyang pamilya (this is not an easy feat sapagkat kailangan nga naman ng eroplano upang makarating doon).

Ang Paghuhusga:

I definitely recommend this movie sa inyong lahat na higit sa 18 years old. Syempre dahil R naman talaga ang rating nito. Wag na muna sa mga bata dahil maaaring di pa nila alam ang definitive line ng realidad sa hindi at moral sa immoral. Higit sa lahat, di rin nila pwedeng panoorin ito dahil ma-rereinforce lamang ang kanilang konsepto ng YOLO.

Ang di kasi alam ng mga bata ay ang pwersa sa likod ng YOLO thinking ay hindi ang gawin ang lahat ng pwede at matripan mong gawin dahil isang beses ka lang mabubuhay. Ang tamang pagtingin dito ay dahil sa isang beses ka lang mabubuhay, gawin mo na ang lahat ng pwede at makakaya mong gawin para di ito masayang. Parang magkapareho no? Pero magkaiba yan.

Una kong bibigyan ng matinding slow clap ay ang writer at director ng movie na ito na si Lorene Scafaria. Oo, di siya masyadong kilala. In fact, di ito ang naging motivation ko para panoorin ang pelikula. I learned that she made this film after watching the movie. Dun lang ako napa-Ahhh. Kaya naman pala ganun din kahaba ang title.

Bakit? Dahil siya rin ang nagsulat sa isa ko pang gustong movie na Nick and Norah’s Infinite Playlist (na BTW ay di ko rin nirerekomenda sa mga bata). Magaling siyang magtahi ng iba’t-ibang personalidad at karakter para makabuo ng isang magandang relationship. Di ko naman ididiskwento ang fact na bahagi nung realization ko ay ang slight na pagkalungkot dahil kung tutuusin ay halos magkahawig ang character ni Norah at Penny at ni Nick at Dodge. Free-spirited yung girl habang boring, nice guy naman yung boy. Pero di naman ibig sabihin na may pagkakahawig ay di ka na mag-eenjoy. Yung NaNIP ay medyo fantastic ang dating. I mean, gaano naman ka-posibleng mangyari ang lahat ng iyon sa loob ng isang gabi. Pero itong SAFFTEOTW, kahit literal na out-of-this-world ang posibilidad na tamaan tayo ng asteroid, ito rin ang naging daan para maging posible at mas totoo ang mga things that they got away with gaya ng pagtira sa isang bahay na di kanila.

Steve Carrell as Dodge Petersen

I know a lot of people love Steve Carrell dahil nakakatawa siya. Pero di naman ako masyadong malaking fan. Kasi naman ang introduction ko sa kaniya ay sa Evan Almighty na sa pananaw ko ay isang malungkot na follow up para sa epic na Bruce Almighty ni Jim Carrey. I also think na tulad ni Michael Cerra (na apparently ay nakatrabaho na rin ng writer), limitado ang characters na kaya niyang gampanan. Halos magkakapareho ang pagkatao niya sa Crazy Stupid Love, Date Night, at Evan Almighty. Pero it works for this movie dahil he’s just a normal person. Siya yung tipong madadaanan mo sa opisina araw-araw o kapitbahay mong di mo madalas makita. Ganun lang. Saktong-sakto bilang Dodge.

Kung gaano naman ka-keri lang ang aking opinion about Steve Carrell, ganun naman ako ka-passionate about Keira Knightley.

Keira Knightley as Penny Lockheart

I think she’s one of the actresses na kayang gawin ang lahat.

She’s in a LOT of my favorite movies at I’ve seen her play the most common characters to the most fantastic heroines nang may puso. She also has that distinctive accent and the amazing ability to stay pretty kahit nalulukot ang mukha sa pag-iyak. She makes me want to hug her pag umiiyak na siya.

At dito sa pelikulang ito ay binaon niya ang lahat ng ito. Ang bilis magpalit ng emosyon ni Penny and I can’t think of any other actress who can play this character. Well… the only other one I can think of is Kat Dennings na disqualified na dahil bata pa siya masyado at siya na si Norah sa NaNIP.

Ang nakakatuwa lang dito, alam mo na pero di mo parin alam kung ano ang mangyayari. Mapapaisip ka rin kung paano mo gugustuhing ubusin ang mga natitira mo pang araw sa mundo kung sakaling nasa ganoon kang sitwasyon. Pero tama si Dodge sa huling eksena.

Penny: But it isn’t enough time.

Dodge: It never would have been.

Totoo nga naman, di ba? Ang pagkakaiba lang nila ay alam nila kung kailan exactly sila mamamatay. Pero tayo man ay mauubusan din ng oras. So, kailangan din nating gamitin ang natitirang oras natin para gawin ang mga bagay na worth our while.

I love this movie dahil it made me want to do something. Nilagay nito ang mga bagay sa tamang perspektibo. Sabi nga sa Biblia,

Teach us to number our days aright, that we may gain a heart of wisdom.

Psalm 90:12 (NIV)

Wag naman sanang gaya nila Dodge at Penny ay huli na ang lahat bago natin maisip kung gaano kalaking oras ang ginugol natin sa mga bagay na di mahalaga. Sana rin, gaya nila Dodge at Penny, ubusin natin ang mga natitira nating oras sa piling ng mga tao who matter.

This_Guy's_in_Love_With_U_Mare!

This Guy’s In Love With U Mare: Movie Review

Hindi solido ang opinion ko about Vice Ganda. Oo, nakakatuwa siya and I have great respect for how witty and smart he is. Pero di naman ako buong fan dahil di rin talaga maganda ang naging epekto niya sa society lalo na noong nagsimula siya sa Showtime. I remember one of my friends posting on Facebook na mula nang nauso si Vice ay wala na raw makausap ng matino. Di ko rin nagustuhan yung unang dalawang top-billed films niya na Petrang Kabayo at Praybeyt Benjamin at nagkakaisa kami ng mga kapatid ko na we like him pag unscripted pero di siya ganun kagaling umarte pag salita na ng iba ang gamit niya.

Pero dahil medyo nag-lie low na rin ang kaniyang pangookray recently at mukha namang interesante ang premise ng pelikula, pumayag akong samahan ang aking Lola at mga kapatid na panoorin ang pelikulang ito. Dagdag na rin yung factor na may sakit ako for the longest time at handa nang tumawa pagkatapos nitong lahat. Kaya ayun. I found myself sitting in the theater with one thing in mind, “Entertain me.”

And they did!

I found myself laughing at all the right scenes. Winner din ang malakas na hagalpak ng aking normally hard-to-please na lola. Kung siya napatawa nitong pelikula na to, this definitely is top-notch!

Continue reading

meet_the_robinsons

3 Lessons I Learned From Meet The Robinsons

Pag sinabi mong Disney film, di ito ang unang naiisip. Kadalasan ang alam nating Disney movies na nagiging paborito ay isa sa mga naunang 2D animated films about a prince and a princess. Pag sinabi mo namang 3D animation, di rin ito agad ang unang movie that will come to mind. Kasi naman overshadowed ito ng maraming magagandang Pixar animated films. In my opinion, this is one of the most underrated animated movies of all time.

Ang Buod

Bida sa pelikula si Lewis, isang ulila na ang tanging gusto lang ay magkaroon ng pamilya. Kakaiba siya dahil di gaya ng ibang normal na bata, isa siyang imbentor. Yun nga lang dahil rin sa pagiging kakaiba niya, hindi siya naaampon. Kaya as a last ditch effort to have a family, nag-imbento siya ng device para balikan ang kaniyang lost memory ng mukha ng kaniyang ina in hopes of finding the person who gave him up.

Yun nga lang, nung oras na para ipresent niya ang kaniyang imbensyon, may dalawang characters na biglang umenter the dragon sa kwento. Isa ay si Wilbur, na nagpanggap na time cop, at si Bowler Hat Guy na sa bigote palang at all black na outfit ay obvious nang kontrabida. Sinira ng bowler hat ni Bowler Hat Guy yung machine ni Lewis kaya nagdesisyon siyang mag-quit na lamang sa pag-iimbento ng mga bagay. Agad naman itong tinutulan ni Wilbur dahil kung mangyayari ito ay mababago diumano ang hinaharap.

So, Wilbur decides to bring Lewis with him to the future to convince him not to stop inventing things. Pero dahil sa sunod-sunod na kaganapan at patong patong na pagtatakip ni Wilbur sa kaniyang kasalanan ay makikilala si Lewis ng pamilya ni Wilbur, ang Robinsons. (na on a side note ay hindi parin kasing cray-cray at eccentric ng real-life family ko)

Kahit gusto kong dugtungan ang kwento ay ayokong maspoil ito para sa mga hindi pa nakakanood kaya I’ll leave it at that.

This won’t be like my other posts kung saan nagiging critical lang ako about the movie. Dahil nga isa ito sa mga favorite ko, I’ll just tell you the 3 lessons I learned from this heartwarming movie.

1. Celebrate failure. O! Wait lang ha! Hindi ko sinasabing purposefully fail. Iba yun dito. Ang ibig lang sabihin nun ay don’t be afraid to try. Kahit pa paulit-ulit kang pumalpak, ang mahalaga ay yung lessons na makukuha mo. Ito yung exact quote from the movie…

From failing, you learn.

From success, not so much.

Pag pumalpak ka, learn ALL that you can from the experience. Ganun talaga e. Just pick yourself up and try again. I know this dahil sa buhay ko ay makailang ulit din naman akong pumalpak at masasabi kong totoo nga na mas marami kang matututunan from failure than success. So, pag pumalpak, change, reset, and try again.

The next lesson came from the same scene.

Lewis: So if I go back now, then this will be my future.

Cornelius: Well, that depends on you. Nothing is set in stone. You gotta make the right choices and keep moving forward

2. Make the right choices. Di naman sa dito ko lang natutunan itong lesson na ito. Pero maganda talaga na pinoint out to ni Cornelius. Ang kinabukasan naman talaga natin ay influenced by the choices we make right now. So, if you want to have a great future, start making good decisions ngayon palang. Keep moving forward. Wag lang move ng move. Dapat move forward. Kahit ang circumstances are against us, wag kang susuko. Just keep moving forward. Wag magquit basta basta. Isa-isang hakbang lang and before you know it, nandoon ka na sa lugar na dati mong tinatanaw lang.

3. If you want a family, make one. O. May room nanaman for misinterpretation ito. I’m not saying na gumawa kayo ng literal na pamilya at bumuo ng anak. O kalimutan at isuko ang current family that you have. Hindi yun ang point. Ang punto ay hindi lang sa pagiging magkadugo nakabase ang pagiging pamilya. Gawin natin ang lahat ng magagawa natin to make our biological family a family, pero iexpand din natin ito sa mga kaibigan at iba pang mga taong may ginagampanang papel sa buhay natin. In the movie, orphan si Lewis at hindi na ipinakita kung magkakaroon pa siya ng connection sa biological mother niya. Pero malinaw na sa dulo ng pelikula ay hindi na siya nag-iisa. Kung di ka masaya ngayon, gawan mo ng paraan. When it’s your turn to have a family of your own, make sure that you take care of it.

Whew! Ang hirap isulat ito ng di binubukadkad yung buong kwento. Pero at least tapos na. Sana di ko naman naibigay lahat lahat ng mangyayari sa dulo.

Kailangan ko pa bang sabihing nirerekomenda ko ang pelikulang ito? Obvious na obvious naman. This is one of the most heartwarming movies I ever saw. Hanggang matagal after mo itong mapanood ay mapapaisip ka parin. Masarap balik-balikan at alalahanin ang mga leksyon na mapupulot dito. Sulit na sulit ang oras ninyo.

So, if you have the chance to watch this move, igrab niyo na. Buy a copy or rent one. I’m sure na gaya ko marami rin kayong matututunan.

The_Mistress(2012_Film)

The Mistress: Movie Review

My only regret about this movie is not writing about it earlier. Kaya lang, maraming personal na pangyayari at mga responsibilidad na kailangang gampanan kaya di ako nakaupo para lang magsulat. Sayang kasi I really wanted to express what I thought about this film right after I saw it. Pero di bale. It’s better late than never. Eto na.

Ito ang 5 things I liked about this film.

Continue reading

I Do bidoo bidoo

I Do Bidoo Bidoo: Movie Review

I know we still have a third of the year left, but I’m going to say this confidently…

This is the best Filipino movie of the year!

Oo! At walang biro yan. Hindi ko talaga mahanapan ng flaw ang movie na ito. I was teary eyed/crying the entire time that I watched. It made me so proud to be a Filipino.

I wish Chris Martinez and the cast can read this post so I can thank them for restoring my faith in local films. You’ve done a great service to us for giving us this piece of art.

Ngayon lang talaga ako nagkaganito. I’m at a loss for words dahil sa sobrang in awe ako sa pelikulang ito. Ngayon lang yata ako susulat ng review na puro positibo lang ang comment ko. Kaya ituring ninyong isang listahan lang to ng kung bakit ninyo dapat panoorin ang I Do bidoo bidoo.

Simulan na natin…

Continue reading

The-Lucky-One

The Lucky One: Movie Review

I know medyo late na dahil this movie has been off the screen for months now, but hey! You can’t blame me for waiting for the DVD release bago ko mapanood. As much as I want to turn watching movies and writing about it into my full-time job, I can’t. I have an 8-hour job that leaves me with just about 4-6 waking hours away from work each day.

*sigh* But, enough about me. Let’s dive into the movie.

Nicholas Sparks novels are my guilty pleasure. Kasi may tamang dose ng self-loathing akong nadarama every time I finish one of his books. He has this formula pagdating sa pagsulat na paulit-ulit-ulit lang sa mga libro niya. Parang nag-iiba lang yung pangalan, pero halos pareho din yung plot. Naiinis yung poser na critic sa loob ko, pero yung girlaloo naman, pumaparty.

 

I read the novel before I saw the movie. And even if I wasn’t as excited about it as I was with The Notebook, A Walk To Remember, or Dear John, I thought it was okay. Kaya nga lang, dahil I read it around the time when they first released the movie poster, Na-associate ko na agad yung characters sa mga artistang gaganap. I didn’t think it would affect my reading adversely dahil nag-enjoy naman akong imaginin na si Channing Tatum si John sa Dear John before, pero mabilis kong pinagsisihan na ipares ang mukha ni Zac Efron kay Sgt. Logan Thibault. This brings me to the first thing I didn’t like about the movie.

Continue reading